Burning out the pain#3 — “Blangko”

Sa isang hardin ano bang unang kinukuha? Hindi ba ang pinakamaganda.

02-27-2016 — PAPA

Sa tuwing sinusubukan ko ilabas at isulat ang nararamdaman ko tungkol sa pagkawala mo papa, natutulala ako.. Mag iisip ako at kakapain sa puso ang tamang salita para maisulat ko pero parang ang lalim lalim na ng nararating ko, tapos maaabutan ko lagi sa dulo, blangko.. Kaya lalong napapatulala ako… hindi ko alam ang tawag sa pakiramdam na meron ako.. higit sa masakit at lagpas sa pangungulila.. Para kong nawawala, siguro nga walang salita na makakapagdescribe sa pakiramdam na ganto.. Gaya ng pagkawala mo, wala ding salita na makakapantay sa sakit na naiwan dito.

Burning out the pain#2 — “Kasi mahal kita…”


Nanlalamig. Nanginginig. Samu’t saring emosyon habang tumitipa sa makinang may letrang maliliit.


Ikaw ang unang lalaking nakilala at aking minahal.

Ang unang lalaking nagparamdam sakin ng pagmamahal.

Gwapo. Malambing. Masarap magluto. Maalaga. Mapagmahal.

Bagama’t wala pa kong muwang ay tanda ko kung gaano mo ko minamahal.

Araw-araw mo kong dinadalaw at ipinapasyal sa tabing-ilong habang pasan-pasan sa likuran mong matipuno.

Kakain tayo ng lugaw matapos panuorin sa pagsikat si haring araw.


Hindi malilimutan kailanman, ang unang date ko’y sa iyo rin naranasan.

Tanda sa aking alaala, nang minsa’y nanuod tayo ng sine habang may popcorn sa kanlungan.

Sobrang saya ko, ang tanging tanda ng puso ko, kakaibang pagmamahal sa iyo rin unang natamo,

ewan ko kung dahil sa kantang “Can You feel the Love tonight” ba yun o dahil sa paborito kong nagsasalitang Lion ang palabas noon.


Una kong natutunan sayo ang sarap sa pakiramdam ng nagmamahal at minamahal Papa.


Hanggang isang araw, ang unang taong nagparamdam

at nagpakita na ako’y isang higit sa diyamante’t tila prinsesa, bihira ko na makita.

Papa, Anong nangyari? Bakit tila ako’y iyong kinakalimutan?

Alam ko ang bahay niyong kinagisnan pero hindi ko alam kung ika’y andyan.

Nandito ko sa poder ng Ina ni Mama na tinatawag kong Lola pero ikaw ay nasaan?

Wala pa kong muwang.. Wala pa akong alam.. Walang kaya intindihn ang bata kong pang unawa..

May panahon pa na tatakbo ako ng tatakbo na parang baliw sa daan,

palapit sa inyong tahanan ngunit kapag andyan na’t malapit na bigla akong matitigilan.

Mahihiya. Matatakot. Lalo na’t hindi ako sigurado kung may aabutan sa bahay na tanda ng bubot  kong kamalayan. Madaming katanungan na hindi kinakaya ng mura kong isipan. At pagkatapos ay babalik akong lumuluha sa kanlungan ni Lola.

Hindi ko akalain sayo rin mararanasan ang unang pagkabasag ng puso.

Unti-unti ikaw ay lumalayo.

Isang araw.. Dalawang linggo.. Tatlo hanggang limang bwan.. o kapag naisipan mo lang kung ako’y iyong puntahan.

Lumilipas ang panahon at ako’y nagkakaisip.

Lumalaki at nasasanay na walang nagpaka-Ama sa paligid.

Walang pumoprotekta.

Walang nagbabakod.

Walang nagpapaalala na ako’y isang prinsesa.

Maraming pangyayaring hindi mo alam, mga takot, saya at luhang tila wala kang pakielam.

Dumating ang panahon na nagpakalayo layo ka. Lumipad sa bansang may malaking kinikitang pera.

Matagal bago mo ko muling naalala.

Minsan tatawag ka, sasabihin na nagpadala ng pera o kaya ay may kahon na naglalaman ng luhong hiling kay santa.

Karaniwan na tatawag ka na nasa impluwensiya ng serbesa, minsan may kasama pang mura kapag kausap ka.

Hindi kinakaya ng malambot kong puso ang namumutawi sa iyong bibig,

batid kong ito’y dulot ng pagkalasing subalit nakakahiwa padin ng damdamin ng gaya kong paslit.

Taon ang lumipas, ang minsang tawag ay lalong naging madalang.

Maraming taon ulit ang binilang.

Lumalaki ako at nagdadalaga ngunit nanatiling umaasa na maulit ang pagpapahalaga noong bata pa, hindi nagtanim ng galit, pero tuluyan nang lumayo ang loob sa’yo Papa.

Sadyang inosente at wala pang alam, nanatiling bubot ang kaisipan, ilang beses sumubok sa pag ibig ngunit hindi nagtagal.

Isang araw bigla ay tumawag ka, si Papa uuwi na! Anong saya aking nadama ngunit nang andyan na ay ibang iba na. Imbes na sakin ibigay ang oras, ay sa pakikipag inuman inilaan. Pinilit kong mapalapit, pumupunta ko kung san ka man nananatili. Iiwanan ng pera at hahayaan na mag-isa. Ganyan hanggang makaalis ka ulit papunta sa banyagang bansa, ang masaklap nang hindi ka nagpapaalam.

Dahil dun sa sarili’y lalong naawa, oo’t ama’y buhay nga pero sinlamig ng patay ang pagsinta. Masakit sa akin na sa sariling pinagmula’y manlimos ng pagmamahal at pagtingin

Hinanap ang pagmamahal sa iba. Akala ko siya na, akala ko kagaya ng pag aalaga ni Papa.

Wala akong ideya, pero ipinagpatuloy hanggang sa tumagal hindi mabitawan sa pag aakalang siya lang saki’y nagmamahal.

Nalalapit na ang aking ganap na pagdadalaga at si Papa ang punong abala para pera’y makapagpadala at maidaos ng engrande ang pagsilang ng munti niyang prinsesa.

Naganap ang naganap, ilang magarbong damit ang naisuot.

Si Papa nasa aking tabi, gaya ng dati napakakisig at nangingibabaw sa marami.

Natapos ang programa at bumaha ng alak hanggang umaga.

At nang pauwi na, napuno ang isang jeep sa regalo na aking dala.

Ngunit sa puntong iyon ay bulag na ko sa sakit.

Sa sakit na ang aking Papa ay hindi na ganoon kalapit.

Ginawa mong iyon ay hindi na napahalagahan. Akala ang perang ginastos dun ay itinae mo lang.

Nanatiling bulag sa pagmamahal at hirap na nagawa, kaya ako’y tuluyang napariwara.

Ako’y nagkamali. Matapos ang apat na bwan sinapupuna’y nagkalaman.

Alam ko ika’y aking nasaktan at batid ko hindi mo man sabihin sa kabilang banda’y may halong pagsisisi at pagkamuhi sa sarili man. Sapagkat iyong prinsesa, iyong napabayaan.

Walang narinig na kahit anong masakit galing sa iyong bibig, nanatili kang tahimik at hinayaan magdesisyon ayon sa aking mithi.

Ako’y sadyang binulag ng hinanakit sayo Papa, inakala na pinabayaan talaga at ni tapunan ng tingin ay hindi mahalaga.

Naghintay ng payo kahit kanino, ngunit galit sa paligid ang natamo. Matatalim na tingin habang lumalaki ang nasa sinapupunan, tanging pagtangis lang ng tahimik ang aking hingahan.

At dahil sadyang bata pa, inakala na kakampi lalo’y wala na. Awang awa sa sarili, pakiramdam na kahit sino man ay tila nang uusig. Walang umalalay ni isa sa akin, dahil galit ang nanguna sa damdamin.

Muli nagkamali ako sa bagay na hindi ko mababago, sumama at nagpakasal sa maling tao. Mali, dahil hindi pa kami handa pareho.

Lumipas ang panahon, ako’y nagsilang. At doon lalong nagdamdam, isa man sa pamilya ko’y walang nasilayan.

Oo masakit, masakit dahil naramdaman ko lalong ako’y pinabayaan, sa panahon na kailangan ko ng sandigan. Mabilis lumipas ang panahon. Hinarap kong katotohanan na wala akong pamilyang aasahan.

Si Papa may bago nang kasiyahan, munti kong kapatid ay isinilang. Ako man din ay natuwa, at tinaggap ng buong puso ang kanyang gawa.

Ni walang may alam sino man sa hirap na aking pinagdadaanan. Itinago ko kasi ako naman din ang may kasalanan.

Ilang beses na tayo’y nag away Papa, minsan hinihiling mo aking pagbagsak imbes na aking kabutihan. Marahil dala na rin ng sama ng iyong kalooban. Ok lang pilit ko naman inuunawaan, ngunit ako’y isang magulang na hindi ko ata hihilingin kailanman ang ikakasama ng kalagayan ng aking laman.

Nakatapak ako sa dati mong bansang pinupuntahan, sa tulong ng ibang kamag anakan. Dati ko pa hinihiling sayo na ako’y dalhin at isama ngunit talaga sigurong wala sa loob mo ang responsibilidad ng ama.

Sa kabila noon wala akong hangad kundi ang tumulong, minsan maaalala mo ko pag oras na ng sweldo.

Ayos lang naiintindihan ko ang mga pagkukulang mo, ako na mismo nagpapatahimik sa mga tanong sa isip ko sa tulong ng tumayong ama ko. John 15:9

Naiintindihan ko… Kasi mahal kitang totoo…

at alam ko mahal na mahal mo din ako..

Burning out the pain#1 — “Ano bang pakiramdam?”

Ano bang pakiramdam?

Mahirap balikan ang nakaraan, at masakit harapin ang katotohanan.

Ako’y tatlong taong gulang simula nang lumisan si Mama para mabigyan ako ng magandang kinabukasan,

habang nagkakaisip at namumulat kasabay noon ay unti unting paglayo ng kalooban kay Papa.

Minsan andyan, madalas wala. 

Sa palagay ko’y ako din ay kanilang hiniwalayan. 

Habang sumisibol ay nalaman kong wala pala tayong tahanan.

May haligi pero walang bakuran.

May ilaw pero nakikipagsapalaran.

Ang kayamanan ay naiwan.. naiwan sa Lolang nagpumilit magtakip sa pagkukulang ng magulang.

Hindi tinuro ni Lola ang magtanim ng galit, pero sa puso’y hindi maiwasan maghinanakit. Bagama’t busy sa paglalaba sa iba’t ibang kabahayan si Lola ay hindi niya ko kinalimutan. Madalas kasama niya ko, katulong sa paninilbihan sa ibang tao. Nakita ko, ang hirap nang isang ina para makapagbigay sa mga anak niya. Mahirap pero marangal.

Isang taon.. Dalawa.. Tatlo hanggang lima.. o hanggang gusto nila bago ko masilayan ang mga maaamong muka ng aking ama’t ina.

Pero iba na. Estranghero na ang galaw namin sa isa’t-isa. Isang malaking pader sa pagitan naming bawat isa.

Natatanaw ang panlabas pero ang sa loob ay hindi nila nakikita.

Kumbaga sa itlog, bugok. Kumbaga sa saging, bulok. Kumbaga sa sinaing, tutong.

Ano bang meron ako kung simula palang ay hindi na ako buo.

Ano bang pakiramdam na maprotektahan ng Ama sa kahit anong paraan at maipagtanggol sa bawat laban?

Ano bang pakiramdam na may Inang nagpapaliwanag, nagpapaunawa at umaalalay sayo tumayo sa bawat pagkadapa mo sa putikan?

Ano bang pakiramdam? Hindi ko kasi alam..

broken-home

Those Longest minutes of my life

Maraming beses na kong nakakarinig ng kwento ng kababalaghan tungkol sa bagong gawang gusali na tinitirhan namin na may 30 palapag. Tungkol sa mga out of the earth na makakasabay mo sa elavator.

Mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa pagmamadali papunta sa elevator ng building namin (Oo namin, pagmamay ari namin to kung pilosopo ka.)

Madalas ganito ang eksena ko dahil sa dalawang kadahilanan:

Late na ako o Malalate palang ako.

Tatlong pinto lang naman ang elevator doon, madalas dalawa lang ang gumagana. Karaniwan nung isa’y palaging sira at may kawawang nai-stuck na naman sa loob.

Ang umagang ito ay walang pinagkaiba sa halos araw araw na eksena ko papasok sa trabaho. Aalis sa flat na basa pa ang buhok habang humahalimuyak sa bango dahil hindi pa pinagpapawisan in short pres na pres si ati.

Wala naman akong nararamdaman kapag sumasakay sa elevator..pero may kakaiba..

TAKE NOTE: Nararamdaman wala pero may kakaibang kababalaghan akong naaamoy.

Medyo magulo noh? Ikaw ba naman hindi kapa nakakalabas ng building nyo inaagaw na agad ang kafreshan mo dahil sa kababalaghan na nakulob sa elevator.

Boom na Boom talaga!

Naiiwan ang mga amoy nila. (Oo nila! Madami sila, iba ibang planeta nagmula pero iisa ang pinaglalaban nila. Nakakatakot na nga talaga, parang movie na INVASION, yung tipong isang dura lang sayo magiging kaisa ka na nila (kung hindi mo alam yun search mo nalang sa Google).

Bagong linis naman yung lift sa umaga pero kapit na kapit na agad yung amoy nila. Ay grabe, hindi ko na iisa isahin yung planetang pinanggalingan nila basta iisa ang amoy nila, iba ibang level lang talaga depende kung saan parte nagmumula ang kababalaghan na bitbit nila.

Ang babangis, tinalo si Lolong sa bangis. Hindi ko din alam kung sa araw  sila nakatira at bumababa lang sa earth pag gusto nila para magkalat ng lagim sa araw-araw, basta out of the earth ang amoy nila!

Muntik ko nang mapindot talaga yung emergency button  elevator

Unsung Melody ♪♪♪


♪♪♪YOU♪♪♪


Unsung melody lies in my heart

A secret note written on my mind

I treasured every lyrics and chords

And sang it silently when I’m alone.

Your harmony to the melody

A single voice, above the noise

It’s echoing inside my head

No other one could take your place

You’re it; I have no choice.

61PA8ftBXnL._SX425_

you are the music to me…


♪♪♪WILL ALWAYS♪♪♪


When is the perfect time for us to love? How can you tell it’s wrong when it feels so right?

In a middle of ordinary life when fate destined us to meet, just like an ordinary friend we start to care for each other. And when it comes to food, we’re getting like a monster. Only eating together is the memories we can share. I know the usual things about you but nothing more than that. I know you but not that much.

Time goes by so fast, a lot of changes happened and we’ve lost in touch, busy keeping on our own lives. Days, weeks and more than a few months I haven’t heard that much about you.

Then once again fate let us bond together with other companions, and this time we got more closer and we have more time for each other. Everyday, we leave message on each others mobile. No more ordinary days. Then our friendship become deeper, same ways we give comfort and opinion on each others problem. After that we’ve know each other better. Deeper. I paused and stop to linger more on your side, trying to escape on the feelings that I can no more hide. But how ironic it was because it only lead me in a deeper and a deeper and a deeper fall of. Unexpectedly and unplanned you became a part of me. It feels so good, knowing something wasn’t right. Yes, the feelings so strong but we cannot be selfish and push on this part. Cause complicated things might complicate it more. Loving someone from afar, also means you can lose that moment of chance too but I know God has always a better plan.

For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future. ­– Jeremiah 29:11

I wanted to hold you. I wanted to keep you. I wanted to be your everything.

I Love You.

I’ll always stay this way, even if you change your ways.


♪♪♪STAY FOREVER♪♪♪


1 Corinthians 13:4-7  

Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It does not dishonor others, it is not self seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always persevere.

 Time will tell.

Changes will take effect.

For someday, this melody will be sung and be heard

And you’ll understand how forever, I want you to stay in my heart. 


Maybe we`ll sing this song as one. Maybe we can write a better song than this. Maybe..


Poop Scooped

PASINTABI PO! EXCUSE ME!

If you’re not comfortable to read about the topic wala kang choice, blog ko to!

Balahura may ari nito. LOL.


According to Google, BAE also means poop in Danish. 

Cute_Poop__XD_by_xhellokellix-e1361815716761

Pasintabi. Oh bae! 🙂 HAHAHA.

It should be obvious, what goes in must come out.

Food is our body’s source of fuel. If our nutrients are not utilized for cellular function, growth, repair or energy then we must eliminate the waste.

Yes, we all poop.

Some of us poop several times per day while others poop once every three to four days.

And I can tell “I am not a good pooper”.


The Poop Scoop by GoTimeTraining

Hard kung hard ang bwiSH*T saken.

Parang may galit nang sobra.  Galit na galit sa word na Constipation.

My Poo never show up to me everyday. Daig ang blue moon kung makapangHARD.

Lalo na yung kailangang kailangan ko siya.


Every year nagpapamedical kami..requirements kasi sa hotel..

One day Isang araw..

May buntis na lalaki nagsabi sakin…..send me 2 pcs. of your picture na kasinglaki nang billboard sa edsa. Chos!

Kailangan ko daw dahil nakasched na ako para sa medical, ok fine. Wala kong idea sa procedure for renewing the 2nd time around.

Sinabi lang sakin kung saan yung lugar which is the same nung nakaraan kaso dahil tanga “ka” nga sa lugar, hindi ko na naman matandaan. hahahaha (asahan mo na yan!)

Aga ko pumunta kasi papasok pa ko sa selda after. Nagpasama ako ulit kay Dora the explorer kasi tatanga “ka” nga.

Punta kami by taxi so mas madali. Pagdating dun, medyo naalala ko na yung place.

Pila agad ako, tatak si manong ewan tapos sinabi na GO TO number 11. Teka, San ba yun? Hehe.

Hanap ako nang hanap sa kabilang block pala. Si manong ewan naman hindi nilinaw agad.

Lipat sa kabila. Medyo madaming tao. Pila ko sa number 11, halo halong mga chaka but Im the only monster. LOL

Mangunguna pa sana ko. “Ladies first” daming nag react eh. No problem if lady or man. Same line.

Hindi ako nakalusot hahahaha. Pila na, pagdating dun si manong ewan no.2 tatak lang ng tatak hindi man lang tiningnan yung papel ko.

Ok tapos na. Tanong ulit ako. Sabi ni manong guard, need Pupu! after that GO TO number 12 and give. Akalain mo yun, alam din nila yung pupu. Then same old story last year, kuha ako ng lalagyan tapos diretso sa toilet! May apat na tao na nakaabang sa dalawang pintuan, kaya suggest ni ateng tagabantay punta kami sa isang toilet sa block A.

Pagdating dun nanguna ko pumasok sa cubicle sabay kanta nang push mo yan te!push mo yan te!push mo yan te! 

Kaso ayaw talaga kahit anong alog ko sa wetpaks ko. Ano ba yan! Please naman, Just when I needed the most! HAHAHA.

Suko ako ayaw talaga eh, baka kapag ganon mangyari sakin e HABANG BUHAY AKO SAYO’Y MAGHIHINTAY. Baka mahiya pa ang pintura ng boysen sakin.

Labas ako ng banyo, kunwari ok na ko. Tinawag ko si DORA the expwoyer. Binalita kong ayaw talaga, tawa siya ng tawa sakin. Biglang nagmeralco yung utak ko, lumiwanag ang isip ko.

“Ikaw nalang kaya?! Sige na ikaw nalang, tutal may factory ka naman ng pupu sa tyan.”

Aayaw ayaw pa siya eh, no choice ka my dear alam mong hirap ako sa ganyan. Napapayag ko naman siya, try lang naman.

Pasok siya sa loob akala ko nagpupush mo yan te na siya, lumipat pa pala sya sa kabilang toilet na una kong pinasukan kasi sa pinanggalinggan niya may news flash daw, mga babae nagpapasahan ng tae. (*ubo ubo excuse me po!)

Sinamantala ko yun kasi may isa pang number na nakalagay, number 14 X-RAY. Pila agad ako kay Mr. X-ray na maharot.

Ako na susunod, “...oh te pasok na. Yakapin mo lang yan parang jowa mo“. Kakayakap ko palang sa aparato sabi sakin agad, “Ay si ate nagustuhan. Ang harot! Feel na feel nito. Dun ka hindi yan jowa mo” wala kong nagawa kundi tumawa kasi lakas makag*go eh.

Paglabas ko wala padin si DORA and the pupu factory. Nauna pa ko, tatawagan ko sana kaso baka maabala sa pagscooped. LOL.

Pagkalabas niya, medyo nandidiri yung itsura ni Dora, bagong experience sa kanya e. Inuhaw siya sa pagpush kaya lumabas kami para bumili ng tubig at dun ipinasa sakin ang “bomb” para hindi na din makita ng gwardiya at nang iba.

Salamat sa pagdodonate, sa effort at pagkukwento kung pano ka nahirapan i-cut! HAHAHAHA.

Ikaw kaya!? Ikaw ba na-try mo na magdonate ng pupu! Sige nga kwento mo pano mo iniscooped Lol.

And yes success ang medical ko! haha.

Out of the Box

think outside the box...go for creativity, set your imagination free.

think outside the box…go for creativity, set your imagination free.

In any project (or even for the simplest mathematical equation), the appropriate definition of boundaries is vital to achieve accurate and meaningful results.

Eh Anak ng pitumpu’t pitong puting put**g i**. Nakakastress na talaga!

Ilang factory na ng pasensiya ang inubos ko para sa walang kasiste sistemang apat na sulok ng pinapasukan kong trabaho.

Teka! Pakinggan mo muna ko bago ka umarangkada ng blah blah.

Wala naman problema sa trabaho eh, lahat kinakaya. Pinoy eh!

Pero hindi na talaga makatarungan to!


Wansapanataym lumipad ako patungong Disyerto galing sa Sushi Land.

Patungo sa lupain kung saan hindi uso ang araw araw na pagligo at deodorant para sa mga tao. Kow! Panalo!

Naglakad lakad hanggang sa makatisod nang trabaho. Edi ang saya ko nun. Ikaw kaya maglakad ng isang bwan at finally the feeling of ugh!

Feel na feel ko pang ito na yun, sa dami nang inapplyan ko.

Eksena: Uy! Kabayan. Pasa CV. Abot sa amo. Interview. Kasunduan. Punta sa workplace. Start the next day.

Unang araw, syempre kabado ko. Ang aga ko, paganda at todo pabango. Sumakay ako ng bus, 13D yung pinakacode name para makarating sa mga lugar na under dun, pero dahil tatanga tanga “ka” naligaw ako pag baba ko. Hindi ko alam yung way kung paano matunton yung workplace ko. Actually kasama ko si Dora the Explorer kaso yung clue na bigay ko mali. Kaya ayun nadamay sya! hahaha.

After nang katangahan natagpuan din namin. Sorry kay Dora nasira ko ang kredibilidad niya. LOL

Eksena: Pasok. Pakilala. Turo. Bigay tips. Training. Tunganga. Tunganga. Tunganga.

Isang oras bago mag uwian. Dumating si amo, sinabay na ko kasi iisa lang yung way namin pauwi. Kabado ko, ikaw ba naman isabay ng amo. Mahiyain pa naman ako.

Eksena: Usap. Usap. Alok ng hidden agenda. Biglang hawak Kamay. Usap. Usap.

Natakot ako that time, anong malay ko sa mga ganong offer. Back out ako hindi na ko pumasok kinabukasan kahit todo tawag sila. Maganda na sana, Hotel Receptionist. Sayang. Hanap ibang work, hanggang sa halos nababaliw na ako malapit na matapos ang isang bwan ko at pag ganon need ko nang bumalik sa sushi land.

Tawag ako sa manager, hingi tulong. Pinabalik ako kaso may kondisyon na at ayaw na ng amo.

Eksena: Last day ng visa. Exit sa kish. 9days stay. Ok na visa. Balik dubai.

Unang araw ulit sa reception, pero may bago nang babae na nakapwesto. Check ko visa ko waitress na nakalagay,nashock ako ha pero akala ko sa visa lang kasi hindi naman yun yung usapan. Ok lang, kiber. Enjoy lang.

Ilang araw lumipas magbubukas daw yung resto sa loob ng hotel, dun na daw ako ipupwesto, WTF! anlayo sa usapan. Ok lang ulit no choice ako pansamantala lang daw. Receptionist downgrade to Waitress. May mga kasama ko dun syempre, si Mr. bundat ang breadmaker at umaakto na manager, then si Baba Faridoon the toyo pinakamalakas ang toyo sa lahat ang aming cook, si Not Talking Abdul pinakabata at hanep sa patilya kabog si elvis, at si Pakman, dili man ako makasabot! hahahaha. Ilonggo ba. Kasingsiba ko magpapak ng kape at singlakas ko tumikim nang order at left over! Buset!hahaha.

Nagsisimula yung resto karugtong yung pangalan ko, edi bongga! Go with the flow, good work ako for being early bird para magpakain nang mga halimaw na mahilig sa black tea at tinapay together with itlog, cleaner,  tagalinis ng kangkong para sa salad, waitress, cashier, server at tagatally ng sales for the day.

Eksena: Linis. Serve Breakfast. Refill. Delivery. Dine-in. Sulat resibo presyo/ lokasyon. Serve sabaw. Kangkong. Order. Linis. Bayad. Again again again. Yung mga chaka na yun at sabay sabay ang gusto.Lahat VIP, bawal maghintay. Samantalang kami gutom na din.

Si Pakman yung kasama ko sa duty sa panahon ng gera ng mga P(atay) G(utom), mauna lang ako ng 2 oras sa kanya kasi nga nagpapalapa ako ng buwaya sa umaga! haha. Siya yung kasama ko magserve at maglinis ng table lalo na sa table ng mga manyak na mokong. Pag mababa yung lilinisan at kelangan ng yukuan portion, si pakman tinatawag ko diyan. (Hindi sa feelingera ko na masilipan, iniisip ko baka madisappoint lang sila.LOL. ) Dun din ako mas nakaipon ng calling cards kesa tips. Unlimited offer sila sa akin ng magandang buhay, ay, kiber! Wapakels! Sarilinin na lang nila yung binibigay nilang ilusyon. Limang dirhamo hindi sila makapagtips gusto pa paniwalaan ko yung palasyo. Neknek nila oy!

Sa pagiging darna ko, aba naman humirit yung kasama kong bundat, gawin daw na cancel day off ako. Kundi ba naman siraulo, na sa sobrang pagmamahal sakin ayaw ako pagpahingahin. Syempre batas! hindi ako pumayag, day off padin. Biglang entra ni new manager, F na F ang trono. Plastik kung plastik si madam. Madaming nabago, wala naman kwenta. Number 1 kaaway ko.

Climax: Nag away kami ng bongga! hahaha. Walk out ako with the fez na pangfamas, nahiya si nora at vilma sa drama ko that time. Ikaw kaya duruin at sigawan, siya ba nagpapalamon sakin? Tapos hindi pa naibibigay ang sweldo namin kasi tago ng tago yung Amo ng resto. Layasan ko nga siya. Kinausap lang ako na kailangan ko padin pumasok, buhay OFW nga naman at syempre ina ka. Pasok ako na parang waley lang, hinarang agad ako ni madam! Ayaw na daw niya sakin, gusto ko ba siya? Gaga lang. Yung trabaho ipinunta ko tse! Pero dahil kailangan nakipag ayos ako ng pinapatay siya sa isip ko. Pero ayaw niya kong tigilan, at masyado na ata talaga siyang maere. Pag uwi ko may good news ako, namali ng kalaban si new manager. At ang anlakas ko sa globe na may puting hair. Ayun, nabalitaan ko nalang pinatalsik siya at binantaan pa na pag nagpumilit na pumasok babalian siya ng buto sa paa. hahahaha. Ikaw kaya papasok kapa. LOL.

After nun nagalit yung may ari sa umuupa sa resto. Ayaw na ko papasukin. Gusto ko pa ba pumasok? Kung nakakamatay lang yung tingin, dobol dead kana boy! Hahaha. Sarap kalbuhin nang kalbo mong ulo. Another not so good news, I’m back to Reception world my dear. Welcome to politics.

Next day. Pasok ako as a receptionist, sa kabilang hotel. New frienship. New knowledge at New ambience. Magaan naman yung araw araw na gawain, yung responsibilidad lang ang bigatin. May araw araw na input sa computer na kailangan isend sa munisipyo para sa tax at sa police para sa safety na din ng hotel. Mahirap kasi ngayon lang ako nakakita ng hotel na natatawaran, para kong nasa palengke na nagtitinda ng iba’t ibang klase. Sayo magmumula yung presyo. Madugo sa utak yung iba’t ibang lenggwahe, at masakit sa ilong ang mga maaasim na amoy nila. Delikado kasi may police na involve at may itinatago ka dahil hindi tatakbo ang hotel pag walang kalokohan. Sisigawan ka, babaratin ka, ibababa ka at bibilhin ka. Ay ambot! mga chaka!

So far lahat kinakaya kahit madaming responsilidad, simula sa mga pangangailangan ng guest hanggang sa mga galit at problema na ibibigay nila na kailangan ihandle. In short, ikaw ang pinaka may responsibilidad sa lahat. Mabigat te! Pag nasira yun, pag may ano dun, pag wala nun, pag may nag away dun, pag kulang bayad dito, pag may nawawala, pag natakbuhan ng hindi nagbabayad. Oo kung titingnan nakaupong prente pero masakit sa ulo, too much stress my friend. Lakas makapangit at makatabings. Okay na sana, kaya naman e, kabisado mo na dahil taon na ang lumipas. Pero aba naman hindi ata mauubusan ng hirit tong mga to. Bukod sa binibigyan ako ng problema ng mga kasama ko na daig pa pulitiko kung magsiraan!E wala naman katotohanan mga pinagbabanat. Wamankopake kaso nakakarating sa amo ko, hindi naman din ako palakibo kaya magsawa sila kakasira. Isang araw nabwisit ako pinasabi ko na sa globe na icancel ako eh, grabe sobra na! Ayaw naman. So dapat ibigay niya yung tama. Sa sobrang tiyaga ko, ayun umabot nang ilang bwan na wala kong “DAY OFF” at “12 HOURS” duty ako lagi, sana kung bayad ang problema thank you lang.

Bukod sa halos mabulok na ang pwet ko kakaupo at tubuan na ko ng ugat na gaya ng sa puno kakatayo. Wala na kong buhay. Akala ko sandali lang, pero habang tumatagal lalo ko narerealize na maikli lang ang buhay at mahalaga ang bawat oras. Nasayang na ang ilan bwan ko nang walang kabuluhan. Hindi na worth it. Hindi worth it dahil una hindi naman bayad yung oras na sinasakripisyo. Madami akong gusto sa buhay, pero dito wala ang buhay. Madami pa akong pwedeng magawa sa ilang oras na hindi naman dapat kasama sa oras nang pagtatrabaho ko. Madami pa akong pwedeng matutunan sa labas ng apat na sulok ng hotel na to.

At nakakabobo na nakakatanga na sayangin ko ang buhay ko sa hindi naman makabuluhang bagay. Nagtatrabaho nang mabuti, kumikita nang kaunti. Nakakaburyo. Sa pagkaburyo ilang beses na ko nagpakulot, nagpaunat at nagpagupit ng paulit ulit. Naubos ko na din ang mga pwedeng idubsmash para lang malibang at maiba naman. Sa ngayon wala pa ako magawa pero alam ko hindi magtatagal, sa tamang panahon na itutulot nang Panginoon, sisimulan ko ang pagbabago. I guess “namin” hindi lang ako. Tandaan Pinoy eh. Matiyaga pero may hangganan, lalo na kapag hindi naibibigay ng tama ang dapat.

Matagal na din iningitngit nang loob ko ang oras para sa Panginoon. Isang araw na pahinga para sa kanya gaya nang nakasaad o kahit oras man lang para makapag isip nang maayos, makita ang magandang lugar na ginawa niya at makapagpasalamat.

Ikaw kaya magtamasa nang freebies na dulot ng malahostel na hotel na to?!

Ilang bwan nang hinuhubog nang stress at sama ng loob at issues ang utak ko. Ilang bwan na din pinaflat nang tuluyan ng swivel chair na to ang pwet ko. Sa ilang bwan din na yun, dagdag ng dagdag ang layer ng baba at tyan ko. Perfect figure. Take note. FREE yan.

P.S. – Ramadan Kareem!